TAGay ni Goyong

Na TAGay ako ni Goyong, eto na po...

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO
1. Jose Rizal
2. Andres Bonifacio
3. Emilio Aguinaldo
4. Melchora Aquino
(sila yung naaalala ko ba inaaral ko nung grade school)

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Aga Muhlach (super guwapo kasi)
2. Martin Nievera
3. Apo Hiking Society (tunay na mga pinoy sa puso at kanta)
4. Basil Valdez

APAT NA MAGAGANDANG LUGAL SA PILIPINAS NA NARATING MO
1. Boracay
2. Cebu
3. Coron, Palawan
4. Baguio

APAT NA LUGAL SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Banaue Rice Terraces
2. El Nido and Puerto Princesa, Palawan
3. Chocolate Hills, Bohol
4. Davao

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS
1. Kumukutitap na mga Parol
2. Jeepney
3. Balikbayan boxes
4. Sungka (paboritong laro ng mga anak ko ngayon)

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO
1. Kutchinta, puto at sapin sapin
2. Sisig ng Gerry's Grill
3. Mangga, atis, suha at avocado
4. Ginataan

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
*** naku sorry, di ko naintindihan ang tanong ***

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG
1. Anak ni Freddie Aguilar (theme song ko daw ito sabi ng nanay ko)
2. Sino ang baliw? ni Kuh Ledesma
3. Nandito ako ni Ogie Alcasid
4. Batang-bata ka pa ng Apo Hiking Society

APAT NA MATATAMIS NA SALITA O KATAGANG PILIPINO
1. Sinta
2. Mahal kita
3. Irog
4. Iniibig kita

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Liwanag
2. Masikip
3. Dilidili
4. Dimagiba

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK
1. Juan Tamad
2. Patring
3. Yoyong
4. Jose Rizal (pangalan yan ng naging kaklase ko nung college, kawawa siya dahil inaapi siya)

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA
1. Bahay-bahayan
2. Pataasan ng talon sa garter
3. Jack stone at pick up stick
4. Volleyball

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS
1. Politiko
2. Pollusyon
3. Trapik
4. Ebak ng kabayo (laking Binondo kasi ako eh, daming kalesa doon)

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. Mga pamilya at kaibigan ko ay nandoon pa din
2. Noche buena tuwing Pasko
3. Paputok tuwing bagong taon
4. Tabing dagat (beaches, kahit di ako marunong lumangoy)

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS
*** naku, di ko na pinangarap yan at baka ma-people's power lang ako... kahit naman sino ang ilagay sa puwesto, hahanapin pa din ng taong bayan ng masama... tsk tsk tsk ***

APAT NA ALAS NA AKING NAPILING TAGAYAN
1. Ikaw?
2. Ikaw?
3. Ikaw?
4. Ikaw?

4 comments:

Vanessa said...

This was a fun read, Jo! :) Have a great day!

goyong said...

Salamat sa iyong pag-papaunlak bagamat nahihiripan ka sa wikang Pilipino.Buti ka pa marami ka ng lugal sa Pilipinas na narating na gusto kong mapuntahan.Mamamaalam na muna ako sa aking identity na goyong salamat ikinagagalak kong makilala ka at hanggang sa muli.

Junnie said...

teka teka...kahit saang talasalitaan, o diksynaryo man, lugal ba o lugar ang tamang ispeling?

i love to answer this one day....

JO said...

Hi Vanessa!

Goyong, mahilig lang kami ng asawa kong bumiyahe... at may nunal ako sa paa, kaya lakwatsera!

Junnie, ang alam ko "lugar" pero "lugal" ang pinagkopiyahan ko eh. I dont know if its the same in a different dialect? Now, its obvious that I need a pilipino dictionary.. hehehe... TAG, YOU'RE IT!