Litratong Pinoy - Ayaw ko!



"Ayaw ko!" sabi ng panganay ko. Ayaw niya ang mga ganitong klaseng kasiyahan. Pero dahil yung kalaro niya na mas bata sa kanya ay gustong sakyan ito, napilitan siyang subukan. Sabi niya, "yan ang goal ko ngayon." At bago matapos ang araw, sinubukan nga ito ng anak ko. At ang sabi ay "buhay pa din ako!" Pero hanggang isang ikot lang siya.


The Vortex, Calaway Park, Calgary
August 22, 2008

"I don't like that" said my eldest. He didn't like this kind of thrill rides. But because his playmate who is actually younger than him wants to ride this one, he was left with no choice but to join him. He said that "this is our goal for the day!" And true enough, he tried this ride before the day ended. And he said "I'm still alive!" This ride was supposed to be 2 rounds since its only 30 seconds long... but he opted to get out after the first round.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy.

18 comments:

Reflexes said...

naku parehas kami...lalabas ata ang puso ko pag sumakay ako nyan.

fortuitous faery said...

gustung-gusto ko sumakaya sa mga ganyan dati...kaso nawalan na ko ng gana nung na-whiplash ako sa batman ride sa 6 flags dito sa NJ. hay. hanggang ferris wheel na lang.

Dr. Emer said...

Same here. I will not pay for something that might kill me. LOL! I'd rather watch a horror film if I wanted to scare myself.

Great capture! Happy LP!

JO said...

Hi Reflexes,
Ako naman hilig ko ang mga ganyan... kaya tuwang tuwa ako at sinubukan na ng anak ko.

Hi Britney,
Yan ang fave ko sa lahat, ang Batman sa NJ!

Hi Dr. Emer,
I'd ride any roller coaster rather than watch horror films. hehehe..

Mich said...

that rollercoaster looks really scary!

btw, tagged you - http://michmagbag.com/2008/08/share-a-book-drive-a-tag-with-a-cause/

ZJ said...

Gustong-gusto kong sumakay sa mga rides tulad niyan kaso lang di na kaya ng puso ko :)

Raquel said...

Cguro hihimatayin ako pagnakasakay ako ng ganito. I haven't tried it yet pa.

@-->---- said...

talaga? sabihin mo, anak, you're missing half your life..hehe :)

Jay said...

noong minsan ding pumunta kami sa starcity. after ng viking ride (yung umuugoy na barko", medio nahihilo na ako kaya ayaw ko nang mag ride sa "cyclone loop", fave ko paman din yun.pero talagang mahina na ang loob ko, pero may kasama akong babaeng kaibigan kaya parang mapapahiya ako kung sya ay mag-cyclone at hindi ako. kaya napilitan.buti nalang di ako napahiya

magandang huweBEST :) eto po ang akin

http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

evi said...

isa ito sa mga ayaw ko din. hehe...

lino said...

hmmmm, mukhang ayaw ko rin nyan.... :)

sushigirl said...

i used to be really so scared of roller coasters kasi feeling ko eh babaligtad ata ang small and big intestines ko. somehow, i got the nerve to try it sa ocean park. nagpakuha pa nga ako ng before and after picture to celebrate the event, kaya lang hindi ko madistinguish ano ba talaga ang before and after!!!!! hahahahahaha

Mayet said...

di rin ako pwede dyan, mahiluhin ako at saka yung ikot at bilis nya nakakatakot!

JO said...

Hi Mich,
It's just a 30-second ride, its not scary at all.

Hi ZJ,
Sayang, you're missing a lot. hehe

Hi Raquel,
Try it first and then you tell me how you feel.

Hi Carol,
Masaya na ako at sinubukan niya. Makuha sana niya ang tapang naming mag asawa.

JO said...

Hi Jay,
Ganyan din ang asawa ko nung una, ayaw mapahiya. Pero ngayon, gustong gusto na din niya.

Hi Evi, Lino at Mayet,
Subukan mo lang minsan... magugustuhan mo din.

Hi Susan,
Walang sinabi ang Ocean Park, you should try the ones in 6 flags!!! ",)

Weng said...

ako gustung-gusto ko sumakay sa mga ganiyan kahit nakakatakot. masarap sumigaw! nakakarelieve ng stress! hahaha! :D

Aileen said...

saw one like this at kings island in ohio. kahit ako takot sumakay. hehe.

I Digress said...

I've tried the Vortex at Kings Island in Ohio. It was fun! Way more fun than one of the wooden coasters I tried, The Racer. Now wooden coasters and I, we don't like each other. That wooden coaster turned me off all wooden coasters.